Panalangin Para sa Kapayapaan ng Isip at Puso

Panalangin Para sa Kapayapaan ng Isip at Puso

Mahal na Sto. Niño narito po muli ako, may kababaan ng loob na dumudulog sa iyo. Nagpapasalamat po ako sa pagtugon ninyo sa aking mga naunang panalangin. Hindi nyo po ako binigo sa aking pagtawag sa inyo. Ako po ay muling dumadalangin para sa kapanatagan ng akin isip at kalooban sa mga bagay na lubos kong ikinababahala. Hindi ko po alam kung paano ko ito sisimulan. Tulungan nyo po sana akong ihanda ang sarili ko sa mga bagay na aking ipinapanalangin. Ilayo nyo po ako sa mga tao na hindi dapat para sa akin. Gabayan nyo po sana ako sa bawat desisyon na aking gagawin. Buksan nyo po ang aking puso at isipin sa pagtanggap sa inyong kalooban. Kung ang lalaking kausap ko po ngayon ang inyong nilaan para sa akin, haplusin nyo po ang kanyang puso at isip sa tamang paraan kung paano ako mamahalin gaya ng pag-ibig nyo sa akin. At kung hindi man po siya, ihanda nyo po ako na tanggapin iyon.

Kung mabibigyan nyo po ako ng pagkakataon na makatagpo muli ng magmamahal sa akin, sana po ay Siya na talaga. Ang magpaparamdam ng pag-ibig na kalmado, mapagpasensya, may paggalang at hindi ako ipagpapalit sa iba. Magtuturo sa akin ng mga bagay sa aking ikabubuti at ikauunlad. Provider, may plano sa buhay at makakasama ko sa pagpaparangal sa iyo.

Tulungan at gabayan nyo po akong maging karapatdapat sa taong inilaan nyo para sa akin. Alam nyo po kung ano ang kahilingan ng aking puso.

Mangyari nawa sa iyong kalooban.

Amen.

GIVE ONLINE

Join us!

SUBSCRIBE FOR STO. NIÑO NEWS & UPDATES, UPCOMING EVENTS, AND MUCH MORE...